Tinig Niya ay pakinggan Na sumisigaw sa ilang, Hinahanap ang naligaw, Tupang waglit sa tahanan.
REFRAIN
Akayin, akayin, Mga tupang naliligaw, Akayin, akayin, Sa kay Jesus na mahal.
Sino ngayon ang lalakad, Sa naligaw ay hahanap? Kumilos na't h'wag magluwat, Tipunin ang natiwalag.
Sila ay nag-iiyakan Sa parang at kabundukan Tinig ni Jesus, pakinggan: Hanapin sila saanman.